Time, itinangging napili na nila si Trump bilang “Person of the Year”

By Rhommel Balasbas November 26, 2017 - 03:44 AM

Pinabulaanan ng “Time” na may napili na sila bilang “Person of the Year” para sa edisyon ng kanilang magazine ngayong taon.

Ito ay matapos ipagmalaki ni US President Donald Trump sa Twitter na siya na ang gagawaran ng pagkilala tulad nang nangyari noong nakaraang 2016.

Gayunpaman, agad itong pinasinungalingan ng publication at sinabing mali si Trump sa kanyang pahayag ukol sa pagpili ng Time.

Iginiit ng magazine na hindi nila ipinaaalam o hindi sila nagbibigay ng komento kung sino ang kanilang napili hangga’t hindi naiilathala ang kanilang publication.

Ang desisyon anya nila’y malalaman lamang ngayong December 6.

Naging tradisyon na ng magazine ang magpangalan ng “Person of the Year” mula 1927 bilang pagkilala sa naging kontribusyon at impluwensya nito sa mga pangyayari sa kabuuan ng taon.

Hinihimok ng publication na bumoto ang kanilang mga mambabasa sa kung sino ang tingin nilang nararapat sa titulo ngunit ang pinal na desisyon ay nakasalalay pa rin sa kanilang mga editors.

TAGS: TIME magazine, US President Donald Trump, TIME magazine, US President Donald Trump

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.