Ayon sa mga otoridad, sa kanilang pagrespunde ay una nilang inakalang naghihingalo na ang rider dahil hindi ito gumagalaw mula sa kanyang pagkakahandusay sa kalsada.
Ngunit nang lumaon ay napag-alaman nilang dahil sa sobrang kalasingan kaya ito hindi na makagulapay.
Hindi makausap nang maayos ang rider at wala itong dalang kahit anong identification card o ORCR ng kanyang motor kaya hindi pa alam ang pagkakakilanlan nito.
Nahirapan ding madala sa ospital ang biktima dahil nagpupumiglas ito mula sa mga dumating na rescue team.
Sa ngayon ay ginagamot na ang biktima sa Caloocan Medical Center habang patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan nito.