Motor rider, sugatan matapos maaksidente sa Caloocan City

By Justinne Punsalang November 26, 2017 - 03:36 AM

Maswerteng galos lamang sa kamay ang natamo ng isang lalaking motor rider matapos itong maaksidente sa tapat ng Monumento Circle sa Caloocan City.

Ayon sa mga otoridad, sa kanilang pagrespunde ay una nilang inakalang naghihingalo na ang rider dahil hindi ito gumagalaw mula sa kanyang pagkakahandusay sa kalsada.

Ngunit nang lumaon ay napag-alaman nilang dahil sa sobrang kalasingan kaya ito hindi na makagulapay.

Hindi makausap nang maayos ang rider at wala itong dalang kahit anong identification card o ORCR ng kanyang motor kaya hindi pa alam ang pagkakakilanlan nito.

Nahirapan ding madala sa ospital ang biktima dahil nagpupumiglas ito mula sa mga dumating na rescue team.

Sa ngayon ay ginagamot na ang biktima sa Caloocan Medical Center habang patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan nito.

TAGS: Motor accident in Caloocan, Motor accident in Caloocan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.