Marines, patay sa pamamaril sa Navotas City
Dead on arrival ang isang miyembro ng Philippine Marines habang sugatan ang dalawa pa, kabilang ang isang pulis matapos silang pagbabarilin sa Bisugo Street, Barangay NBBS sa lungsod ng Navotas.
Kinilala ang namatay na biktimang si Philip Panelo, habang ang mga sugatan naman ay sina PO2 Clemencio Santos at isang pang lalaking hindi pa nakikilala.
Ayon kay Navotas City Police Operations Chief Police Senior Inspector Anthony Mondejar, lumabas sa kanilang imbestigasyon na humingi ng tulong si Panelo kay Santos dahil sa gulong nangyari sa karinderyang pag-aari ni Panelo.
Kasabay ng pagdating ni Santos ay dumating rin ang tatlong mga nakamotorsiklong kalalakihan na pinagbabaril si Panelo at nadamay lamang si Santos at ang isang tambay sa lugar.
Kasalukuyang inoobserbahan sa ospital ang dalawang nadamay na biktima.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.