Pinoy Celebrities, nagtulong-tulong para kay Rachel Peters

By Rhommel Balasbas November 26, 2017 - 03:13 AM

Nag tulong-tulong ang pinoy celebrities na diretsong mailuklok sa semifinals ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters sa Miss Universe 2017.

Ito ay ilang oras bago magsara ang botohan na magbubukas muli sa mismong araw ng coronation night.

Sa post ng local celebrities sa pangunguna nina Vice Ganda, kanyang mga co-hosts sa It’s Showtime at ni Maine Mendoza ng AlDub ay hinimok nila ang mga fans na mag-ingay para kay Peters.

Isa kasi ang pagtweet at pagretweet ng #Philippines sa paraan upang maiboto ang kandidata.

Habang may online voting din na naganap sa Miss Universe website.

Samantala, tulad ng inaasahan, crowd favorite si Peters sa katatapos lamang na preliminary pageant ngayong madaling araw.

Maingay na sinalubong ng palakpakan at hiyawan ang kandidata sa pagrampa nito sa stage.

TAGS: #MissUniverse2017, Miss Universe 2017, philippines, Rachel Peters, #MissUniverse2017, Miss Universe 2017, philippines, Rachel Peters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.