Hakbang ng gobyerno sa para sa pagbangon ng Marawi, excellent – SWS survey
Kuntento ang mas nakararaming Pilipino sa mga hakbang ng gobyerno para sa muling pagbangon ng Marawi City na nalugmok sa
limang buwang gyera.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 77% ang nasiyahan sa aksyon ng Administrasyong Duterte sa rehabilitasyon ng
lungsod.
Sa bilang na ito, 43% ang lubos na nasiyahan habang 35% naman ang bahagyang nasiyahan.
Samantala, 8% naman ang hindi kuntento sa mga hakbang ng gobyerno, habang 15% ang undecided.
Nagresulta ang mga ito sa +70 net satisfaction rating o katumbas ng “excellent” rating.
Isinagawa ng SWS ang survey mula September 23 hanggang 27 sa 1,500 Filipino adults sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Magugunitang unang sumiklab ang gyera sa Marawi City noong Mayo sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at Maute group. Noong Oktubre, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya ang lungsod mula sa mga terorista. /
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.