Pagbabalik sa PNP ng anti-drug ops, welcome sa PDEA

By Alvin Barcelona November 25, 2017 - 02:44 PM

Welcome sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagbabalik ng Philippine National Police (PNP) sa anti-drug operations ng Duterte administration.

Ito ang naging tugon ni PDEA Director General Aaron Aquino sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aminado si Aquino na kulang sila sa pondo, tao, kagamitan at kailangan nila ang tulong ng ibang ahensya tulad ng PNP sa laban kontra sa illigal na droga.

Ayon kay Aquino, mula nang ibigay sa kanila ang buong responsibilidad sa mga anti-drug operation, nakapag-sagawa na sila ng 1,546 anti-drug operation mula October 11, 2017 hanggang November 20, 2017.

Nag-resulta aniya ito sa pagkaka-aresto ng 469 drug personalities, at pagkaka-kumpiska ng P62.5477 milyong pisong halaga ng illegal drugs.

 

TAGS: aaron aquino, anti-drugs operations, PDEA, aaron aquino, anti-drugs operations, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.