Xander Ford itinanggi na siya ay dinukot

Inquirer file photo

“Nagpapahinga lang…”

Ito ang reaksyon ni Xander Ford makaraang kumalat ang balita na umano’y pagkawala niya matapos mag-show sa Sultan Kudarat.

Sa kanyang Facebook account, nagpost ng video si Xander para sabihin na gusto lamang niyang magpahinga.

“Siguro pagod na pagod po ako. Actually kung makikita niyo po sa itsura ko wala pa po akong kain,” ani Xander.

Dagdag pa nito na “… gusto ko po sana huwag po munang mag-work kahit ilang buwan lang po. Napapagod po ako. Di po ako robot.”

Nagsabi din ito na masama ang kanyang pakiramdam at hindi muna makapag-post sa kanyang social media account.

Kahapon, naglabas ng pahayag ang Star Image Artist Management ang talent company na humahawak sa career ni Xander Ford na nawawala ang dating miyembro ng Hasht5.

Read more...