Iloilo City mayor pinayuhan ng pangulo na huwag masilaw sa drug money
Tumagal ng 30-minuto ang naging pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at ang bagong alkalde ng Iloilo City na si Mayor Jose Espinosa Jr.
Kamakailan ay nanumpa si Espinosa sa kanyang pwesto kapalit ni dating Mayor Jed Mabilog na sinuspinde ng Ombudsman dahil sa kaso ng katiwalian.
Kasama rin sa pulong na ginanap kahapon sina Sen. Cynthia Villar at Iloilo Rep. Ferjinal Biron.
Sa panayam ng media, sinabi ni Espinosa na mahigpit ang bilin ng pangulo sa kanya na tutukan ang problema ng droga sa Iloilo City.
Binalaan rin umano siya ng pangulo na gagawa ng paraan ang mga drug lord para makuha ang suporta ng mga local officials kapalit ng malaking halaga ng pera.
Napag-usapan rin umano sa pulong ang nangyari sa napatay na drug na si Melvin Odicta.
Sinamantala na rin ni Espinosa ang pagkakataon kung saan ay kanyang inimbitahan si Pangulong Duterte na dumalo sa 50th anniversary ng Dinagyang Festival na gaganapin sa Enero ng susunod na taon.
Ipinaliwanag rin ni Espinosa na hiningi niya ang tulong ni Sen. Villar para makausap ang pangulo tungkol sa ilang mag isyu sa kanilang lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.