Nasunog na gasolinahan sa Mandaluyong City iimbestigahan na rin ng DOE

Inquirer file photo

Pumasok na ang Department of Energy sa imbestigasyon kaugnay sa nasunog na Petron gasoline station sa Mandaluyong City kahapon.

Sa kanilang advisory, sinabi ng DOE na pansamantalang susupendihin ang compliance certificate ng nasabing gasolinahan na matatagpuan sa kahabaan ng Shaw Boulevard sa nasabing lungsod.

Gustong alamin sa pamamagitan ng gagawing imbestigasyon kung nasinod ba ang safety protocol  kaugnay sa naganap na sunog.

Kapag napatunayang nagkaroon n kapabayaan sa mga ipinatutupad na safety standards ay tuluyan nang makakansela ang permit ng nasabing Petron gas station.

Tatlo ang sugatan sa nasabing sunog na nagsimula makaraang tamaan ng back hoe ang isang LPG tanker.

Sinasabi naman sa paunang imbestigasyon ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection na hindi dapat pinayagang pumuwesto sa harapan ng gasolinahan ang isang fishball vendor dahil ito ang umano ang naging source ng open fire kaya nagkaroon n makaling sunog.

Read more...