Kalsada na pinondohan ng P8.7 Billion sa Gensan hindi makita

By Den Macaranas November 25, 2017 - 09:16 AM

Inquirer file photo

Aminado si General Santos City Mayor Ronnel Rivera na maraming mga investors sa kanilang lungsod ang nagtatanong kaugnay sa kontrobersiyal na road right of way na binayaran umano ng mga dating tauhan ni Pangulong Noynoy Aquino ng P8.7 Billion.

Nangangamba umano ang mga ito na baka peke ang mga titulo ng kanilang mga nabiling lupain malapit sa ilang mga kalsada na ipinagawa ng Department of Public Works and Highways sa ilalim ng Aquino administration.

Hanggang ngayon kasi ay hindi malinaw kung saang bahagi ng Gensan matatagpuan ang road right of way na binayaran ng ganoong kalaking halaga.

Naunang nang sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation sina dating Budget Sec. Butch Abad at dating DPWH Sec. Rogelio Singson dahil sa nasabing kontrobersiya.

Nagsabwatan umano ang ilang mga dating opisyal ng Aquino administration para palobohin ang halaga ng nasabing proyekto na hindi naman malinaw kung saan ito matatagpuan sa lungsod.

Sa kanyang panig sinabi ni Abad na above board ang kanilang mga pinasok na proyekto at hindi na umano siya sasagot hingil dito hangga’t hindi naisasampa sa hukuman ang reklamo.

TAGS: ABAD, aguirre, General Santos City, NBI, right of way, rivera, singson, ABAD, aguirre, General Santos City, NBI, right of way, rivera, singson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.