Ayon sa DFA, ipinararating ng Pilipinas ang pakikiramay sa Muslim community sa nasabing bansa.
Ayon kay Cayetano, ang mga kahalintulad na pag-atakeng ito sa mga bahay-sambahan ay hindi katanggap-tanggap.
Iginiit ng kalihim ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagtataguyod sa magandang ugnayan sa pagitan ng mga relihiyon na isa anyang paraan upang mawakasan ang karahasan.
Samantala, tiniyak naman ng Philippine Embassy sa Cairo na patuloy ang ginagawa nitong pagbabantay sa insidente.
Ayon sa embahada, walang Pilipinong nadamay sa pag-atake ayon sa mga inisyal na ulat.
Iginiit naman ng DFA na nag-isyu si Ambassador Leslie Baja ng paalala sa 5,183 registered Filipino voters sa nasabing bansa na huwag munang tumungo sa Northern Sinai Region dahil sa mataas na banta sa seguridad doon.