Pilipinas, kinondena ang terror attack sa Egypt; pakikiramay ipinaabot

By Rhommel Balasbas November 25, 2017 - 05:46 AM

Kinondena ng pamahalaan ng Pilipinas ang nangyaring terror attack sa Sinai, Egypt na ikinasawi ng mahigit 200 katao.

Ayon sa DFA, ipinararating ng Pilipinas ang pakikiramay sa Muslim community sa nasabing bansa.

Ayon kay Cayetano, ang mga kahalintulad na pag-atakeng ito sa mga bahay-sambahan ay hindi katanggap-tanggap.

Iginiit ng kalihim ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagtataguyod sa magandang ugnayan sa pagitan ng mga relihiyon na isa anyang paraan upang mawakasan ang karahasan.

Samantala, tiniyak naman ng Philippine Embassy sa Cairo na patuloy ang ginagawa nitong pagbabantay sa insidente.

Ayon sa embahada, walang Pilipinong nadamay sa pag-atake ayon sa mga inisyal na ulat.

Iginiit naman ng DFA na nag-isyu si Ambassador Leslie Baja ng paalala sa 5,183 registered Filipino voters sa nasabing bansa na huwag munang tumungo sa Northern Sinai Region dahil sa mataas na banta sa seguridad doon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.