Pinoy beatboxer, pasok sa Grand Finals ng Asia’s Got Talent 2

By Rhommel Balasbas November 25, 2017 - 05:05 AM

Pasok ang Pinoy na si Neil Rey Garcia sa Grand Finals ng ikalawang edisyon ng reality show na Asia’s Got Talent.

Ito ay matapos mapahanga ni Garcia ang tatlong hurado sa kanyang galing sa pagbi-beatbox.

Ipinahayag ng isa sa judges na sikat at beterano na sa entertainment industry na si David Foster na dapat iboto ng tao si Garcia.

Tubong Davao si Garcia at una nang sumali sa unang edisyon ng AGT noong 2015 ngunit kinailangan niyang lisanin ang kompetisyon upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Sa kanyang pagbabalik sa AGT ay nakakuha siya ng “Golden Buzzer” na nagdala sa kanya diretso sa semis ng reality show.

Kasama sa unang inanunsyo na makakasama ni Garcia na magtatanghal sa Grand Finals si Canion Shijirbat.

Iaanunsyo ang mga kabilang sa finalists sa mga susunod na Linggo.

Magaganap ang grand finals ng Asia’s Got Talent sa December 7 at ang grand winner ay makakakuha ng 100,000 dollars o mahigit limang milyong piso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.