Santo Papa, bibisita sa Myanmar sa kasagsagan ng Rohingya crisis

By Rhommel Balasbas November 25, 2017 - 04:56 AM

(Tony Gentile/Pool Photo via AP, File)

Nakatakdang bumisita si Pope Francis sa Myanmar sa kabila ng kontrobersiyang kinahaharap ng bansa dahil sa “Rohingya crisis”.

Magsisimula ang foreign trip ng Santo papa sa November 26 at magtatapos sa December 2.

Nakatakda siyang magkaroon ng pribado at hiwalay na pagpupulong kina Senior General Min Aung Hlaing at civilian leader na si Aung San Suu Kyi.

Matatandaang inaakusahan ng Washington ang nautrang bansa ng “ethnic cleansing” sa mga Rohingya Muslims.

Hindi kinikilala ng Myanmar bilang mga mamamayan ng kanilang bansa o isang grupong may pagkakakilanlan ang mga Rohingya Muslims.

Inaakusahan din ang Myanmar ng “crimes against humanity” kabilang ang mga pagpatay, rape torture at pwersahang pagpapalikas ng militar.

Ang pagbisita ng lider ng Simbahang Katolika ay tuloy sa kabila ng paalala ng kanyang mga tagapayo na huwag nang tumuloy dahil nangangamba anila ang mga ito na makompromiso ang kanyang “moral authority”.

Gayunpaman, sa isang video message, iginiit ang Santo Papa na ang layon ng kanyang pagtungo sa bansa ay upang makapaghatid ng “kapayapaan at pagkakapatawaran”.

Nakatakda ring bumisita si Pope Francis sa Bangladesh kung saan lumikas ang nasa 600,000 Rohingya Muslims.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.