Joma Sison, ipapahuli ni Duterte kapag umuwi sa Pilipinas

By Kabie Aenlle November 25, 2017 - 04:42 AM

Ipapaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Ma. Sison oras na bumalik ito sa Pilipinas.

Kaya naman babala ng pangulo kay Sison, huwag nang bumalik sa bansa dahil hindi rin lang niya ito hahayaang mangyari.

Sinabi ito ni Duterte sa alumni homecoming ng mga law graduates ng San Beda College sa Makati City kahapon.

Dagdag ng pangulo, alam niyang masakit para kay Sison na hindi siya makakabalik sa Pilipinas, lalo na aniya kung malapit na itong mamatay at sa tingin niya ay dapat siyang mailibing sa sementeryo sa kaniyang kinalakhang bayan.

Si Sison ay naninirahan na sa Netherlands bilang isang political refugee mula pa noong 1987.

Ayon pa kay Duterte, hindi na niya kayang makipag-usap pa sa mga rebelde dahil sa mga pag-atake ng mga ito sa mga inosenteng sibilyan.

Kahit pa aniya abutin ng libong taon ang pakikipag-usap sa mga rebelde, hindi na magkakasundo ang mga paniniwala ng magkabilang panig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.