NDFP, naghihintay pa ng ‘written notice’ para sa pormal na pag-kansela ng peace talks

By Kabie Aenlle November 25, 2017 - 01:27 AM

Hindi pa maikukonsiderang tuluyang kanselado ang peace talks sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ng pamahalaan.

Ayon kay NDFP chief negotiator Fidel Agcaoili, maikukonsidera lamang na kanselado ang peace negotiations 30 araw matapos nilang matanggap ang written notice of termination mula sa gobyerno.

Bukod pa ito sa nilagdaang Proclamation No. 360 ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan nakasaad na winawakasan na ng pamahalaan ang usaping pangkapayapaan sa mga komunistang rebelde.

Paliwanag pa niya, may mga kasunduang sinusunod ang peace negotiations ng GRP at NDFP, kaya inaasahan nilang maipapadala na agad sa kanila ang written notice of termination ngayong nailathala na ang Proclamation No. 360.

Samantala, sinabi ni Agcaoili na naging “stressful” ang peace talks para sa lahat ng kasama sa negosasyon dahil sa mga outbursts ni Pangulong Duterte.

Sa nagdaang taon aniya ay tatlong beses na sinuspinde ni Duterte ang peace talks.

Pinaalalahanan naman ni Agcaoili si Duterte na walang sinumang makapamamahala sa isang bansa gamit ang “Mafia-style” kung saan inaangkin bilang teritoryo ang bansa at nililigwak lahat ng uri ng oposisyon.

Maliban dito, ipinaalala rin ni Agcaoili ang umiiral na Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) matapos ipag-utos ni Pangulong Duterte ang pagpapaaresto sa mga consultants ng NDFP.

Giit niya, dapat manatili pa rin ang epekto at pagpapairal ng JASIG kahit na tuluyan at opisyal na talagang ma-terminate ang peace negotiations.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.