(UPDATE) Patay sa pag-atake sa mosque sa Egypt, pumalo na sa 235

By Dona Dominguez-Cargullo November 24, 2017 - 08:49 PM

(UPDATE) Umakyat na sa 235 katao ang namatay habang hindi bababa sa 120 ang nasugatan sa pag-atake sa isang mosque sa northern Sinai Peninsula sa Egypt ayon sa Egyptian state media na MENA.

Ayon sa Egyptian security officials, inatake ng mga militante ang al-Rawdah mosque sa bayan ng Bir al-Abd sa North Sinai province na el-Arish.

Sa ulat ng MENA, may mga kalalakihan na sakay ng apat na sasakyan ang nagpaulan ng bala sa mga nagdarasal sa mosque.

Habang nagpapaulan ng bala, nagpasabog din ng bomba ang mga umatake.

Agad namang nagpatawag ng emergency security meeting si Egyptian President Abdel Fattah El Sisi matapos ang insidente.

Ilang taon ng nilalabanan ng pamahalaan ng Egypt ang “armed movement” sa Sinai Peninsula na naging mapayapa mula ng mapatalsik sa pwesto si dating Pangulong Mohamed Morsi ng Muslim Brotherhood noong 2013.

 

 

 

 

TAGS: Bir al-Abd, Egypt, Egyptian President Abdel Fattah El Sisi, Foreign News, North Sinai, Bir al-Abd, Egypt, Egyptian President Abdel Fattah El Sisi, Foreign News, North Sinai

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.