CPP-NPA-NDF gustong magtayo ng coalition government ayon kay Duterte

By Rohanisa Abbas November 24, 2017 - 07:45 PM

Isa mga dahilan kung bakit pinutol na ng gobyerno ang usapang pangkapayapaan sa komunistang grupo ay ang layunin ng mga rebelde na magtayo ng coalition government.

Ipinahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan.

Ayon kay Duterte, napansin niya na sa pag-usad ng peace talks, patungo sa isang coalition government ang nais ng komunistang grupo.

Aniya, nonsense ang pagtatayo ng coalition government sa Pilipinas.

Magugunitang pormal nang nilagdaan ni Duterte ang Proclamation No. 360 na nagkakansela sa peace talks ng gobyerno sa National Democratic Front dahil sa mga sunud-sunod na pag-atake ng New People’s Army sa pwersa ng gobyerno.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: coalition government, CPP, NDF, NPA, Rodrigo Duterte, coalition government, CPP, NDF, NPA, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.