Commissioner Lim, mananatiling acting chairman ng Comelec

Mananatili pa ring acting chairman ng Commission on Elections (Comelec) si Commissioner Christian Robert Lim.

Sinabi ito ni Comelec Spokesman James Jimenez kahit na pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Commissioner Sheriff Abas bilang kapalit ng nagbitiw na si Chairman Andres Bautista.

Paliwanag ni Jimenez, hindi agad na makakaupo si Abas bilang pinuno ng Comelec hangga’t hindi naaaprubahan ng Commission on Appointments ang nominasyon nito.

Ang pagkakapili aniya kay Abas ay hindi maituturing na ad interim appointment dahil ito ay ginawa habang nasa sesyon pa ang kongreso.

Sakali namang makumpirma ng CA, pupunan ni abbas ang naiwang termino ni Bautista hanggang Feb. 2, 2022.

Si Bautista ay matatandaang bumaba sa pwesto noong October 23, 2017 makaraang tanggapin ang kanyang resignation ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...