3 sugatan sa sunog sa Petron sa Shaw Blvd., sa Mandaluyong
UPDATE: Tinupok ng apoy ang gasoline station ng Petron sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City.
Ayon kay SFO2 Danilo Yumol ng Mandaluyong City Fire station, pasado alas 5:00 ng hapon nagsimula ang sunog.
Umabot lang ito sa 1st alarm dahil mabilis na nakaresponde ang mga bumbero at agad naapula ang apoy.
Tatlo naman ang naitalang nasugatan sa nasabing sunog.
Sa tweet ng disaster risk reduction and management office ng Mandaluyong City, dalawa sa mga nasugatan ay dinala sa VRP Hospital habang ang isa pa ay nasa Mandaluyong City Medical Center.
Ayon kay FO3 Zaldy Tablay, arson investigator, isang back hoe ang aksidenteng tumama sa bull bar ng LPG tank habang may hinuhukay sa lugar.
Nagkataon namang mayroong nagtitinda ng fish ball sa malapit at dahil may open flame, nagdulot na ito ng sunud-sunod na pagsabog.
Kabilang sa nasugatan ang back hoe operator at tindero ng fish ball.
Alas 5:22 ng hapon nang ideklarang fire out na ang sunog.
Nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa kahabaan ng Shaw Boulevard ang nasabing sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.