Pangulong Duterte, ninong ng anak nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez

By Dona Dominguez-Cargullo November 24, 2017 - 04:50 PM

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa binyag ng anak nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na si Isabella.

Isa si Pangulong Duterte sa mga ninong ni Isabella nang ito ay binyagan sa National Shrine of St. Michael and the Archangels sa Maynila.

Matapos ang binyag, ginanap ang reception sa Presidential Security Group Compound sa Malakanyang.

Nagpaliwanag naman si Mariel sa pagpapabinyag nila kay Isabella sa Simbahang Katoliko gayong hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging Islam ni Robin.

Sa kaniyang post sa Instagram, sinabi ni Mariel na nananatili siyang Katoliko.

Sumailalim na rin naman aniya sa “Aqiqah” si Isabella, na pamamaraan ng pagbibinyag sa Islam.

Sa sandaling lumaki na anak, malaya aniya itong pumili kung anong relihiyon ang kaniyang nais.

Sinabi ni Mariel na bilang magulang, tungkulin nilang ituro sa anak ang pagrespeto sa lahat ng relihiyon.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Isabella, Mariel Rodriguez, robin padilla, Isabella, Mariel Rodriguez, robin padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.