Pinay na runner-up sa America’s Got Talent, tampok sa Thanksgiving Day Parade sa New York

By Dona Dominguez-Cargullo November 24, 2017 - 04:00 PM

Kasama ang Filipina-American na runner-up sa America’s Got Talent (AGT) Season 12 na si Angelica Hale sa taunang Thanksgiving Day Parade sa New York.

Inawit ng batang Pinay ang “Girl on Fire” ni Alicia Keys habang siya ay sakay ng isa sa mga pumaradang float.

Dinayo ng napakaraming tao ang parade at sinaksihan ang magagandang floats sa bahagi ng 6th Avenue.

Maliban kay Hale, ang iba pang celebrity na sakay ng floats ay sina talk show host Jimmy Fallon, singer na si Gwen Stefani, at marami pang iba.

Binati din ng America’s Got Talent si Angelica at sinabing proud ito sa pagkakasama ng Fil-Am sa parade.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Angelica Hale, Thanksgiving Day Parade, Angelica Hale, Thanksgiving Day Parade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.