LOOK: Libu-libong katao, nag-zumba sa QC Memorial Circle para ipakita ang paglaban sa iligal na droga

Kasabay ng pagdiriwang ng National Children’s Month at National Drug Abuse and Control Week ay nagkaroon ng isang zumba session ang mga kabataan, maging ang kanilang mga nanay at lola sa Quezon City Memorial Circle.

Lahat ng mga dumalo sa naturang zumba session ay mga kaanak ng mga gumagamit at tulak ng iligal na droga na sumuko sa Oplan Tokhang ng Philippine National Police at natapos ang community-based drug rehabilitation program ng lungsod.

Ipinagmalaki ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang kanilang proyektong binuo para sa mga drug suspects at kanilang pamilya, kabilang ang preventive education program at livelihood programs.

Mayroon ding special drug education center para sa mga kabataan na hakbang ng lokal na pamahalaan ng lungsod Quezon para maiwas ang mga ito sa droga.

Kabilang sa mga dumalo sa naturang event sina QCPD Chief Police Senior Superintendent Guillermo Eleazar, Department of Interior and Local Government Undersecretary for Local Government Austere Panadero, at Dangerous Drugs Board Undersecretary Marlowe Pedregosa.

 

 

 

 

 

 

Read more...