Dalawang dating gabinete ni Aquino, sangkot sa P8.7B roadway scam sa GenSan ayon sa DOJ

By Erwin Aguilon November 24, 2017 - 01:03 PM

Ibinunyag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang pagkakasangkot ng dalawang dating miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa P8.7-billion na halaga ng roadway anomaly.

Ayon kay Aguirre, hawak ng Department of Justice (DOJ) ang affidavits at pirmadong dokumento ng mga testigo na ang dadawit kina dating Public Works Secretary Rogelio Singson at dating Budget Secretary Florencio Abad sa anomaly sa roadway project sa General Santos City.

Base sa dokumento at salaysay ng mga testigo na naisumite na sa NBI inaprubahan umano nina Singson ang claim para sa pekeng road right of way at hiniling nito ang pagre-release ng pondo para mabayaran ang claim.

Si Abad naman ang nag-apruba para sa pagre-release ng bayad base sa hiling ni Singson.

Ayon kay Aguirre, isang sindikato ang nasa likod ng anomalya kung saan humihiling ang mga ito ng compensation para sa right of way ng mga land owner na naapektuhan ng national highway construction sa General Santos City. Gayunman, ang sindikato ay gumagamit ng pekeng land titles.

Maliban kina Singson at Abad, may mga tinukoy pa ang mga testigo na iba pang sangkot na dating opisyal ng gobyerno na pawang mula sa DPWH, Bureau of Internal Revenue, City Assessor’s Office ng General Santos, Registry of Deeds, Commission on Audit at maging mga tauhan ng Regional Trial Courts.

Ayon kay Aguirre nakapagproseso na ang nasabing sindikato ng mahigit 300 folders na puno ng mga dokumento tungkol sa pekeng road right of way claims.

Kabilang sa mga pinangalanan ng testigo na nasa likod ng sindikato sinaWilma Mamburam, Col. Chino Mamburam, Merceditas Dumlao, at isang Nelson Ti.

 

 

 

 

 

 

TAGS: butch abad, department of justice, General Santos City, right of way, roadway project, Rogelio Singson, butch abad, department of justice, General Santos City, right of way, roadway project, Rogelio Singson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.