Heneral Antonio Luna, tampok sa limited edition na commemorative coin ng BSP

By Dona Dominguez-Cargullo November 24, 2017 - 02:10 PM

Maglalabas ng limited edition na commemorative coin ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na P10 at tampok dito ang bayani na si Heneral Antonio Luna.

Ayon sa pahayag ng BSP ang 10-peso commemorative circulation coin ay magiging available sa BSP offices at branches para sa mga authorized agent bank.

Itinaon ang paglalabas ng Heneral Luna commemorative coin sa nalalapit na 150th birth anniversary ng nasabing bayani na nanguna noon sa Philippine-American War.

Sa harapan ng 10-peso commemorative coin makikita ang portrait ni Heneral Luna habang sa likod naman ay sakay ito ng kabayo.

Mababasa din sa commemorative coin ang mga salitang “dangal,” “tapang” at “dignidad” na naglalarawan kay Luna.

Ayon sa BSP, sampung milyong piraso ng naturang barya ang kanilang ilalabas.

 

 

 

 

 

 

TAGS: 10-peso commemorative coin, Bangko Sentral ng Pilipinas, Heneral Antonio Luna, Heneral Luna, 10-peso commemorative coin, Bangko Sentral ng Pilipinas, Heneral Antonio Luna, Heneral Luna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.