Saudi national, inaresto sa NAIA matapos manggulo sa eroplano
Isang Saudi national ang inaresto pagbaba nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa panggugulo sa loob ng eroplano.
Ang dayuhan ay inireklamo nina pilot in command Captain Shareef Mamoon at Airline Representative Denver Dulatre ng Gulf Air Flight GF 154.
Anila, galing Bahrain ang eroplano nang manggulo ang lasing na si Alabdurahman Mohammed Abdulrahman.
Ilang pasahero umano ang nagreklamo dahil magulo ang dayuhan sa kaniyang upuan.
Sinubukang payapain ng mga flight attendant ang dayuhan pero sila naman ang pinagbalingan ni Abdulrahman.
Agad na pababalikin ng Bahrain ang nasabing banyaga na idineklara nang undesirable alien upang hindi na makatuntong muli sa Pilipinas.
Samantala, isang hindi pinangalanang lalakeng pasahero naman ng Japan Airlines flight JL 746 ang isinugod sa San Juan De Dios hospital makaraang mag-collapse habang nasa check-in counter ng NAIA Terminal 1.
Posible umanong inatake sa puso ang nasabing pasahero ayon sa pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.