Taytay Municipal Hall at RTC, binulabog ng bomb threat

By Justinne Punsalang November 24, 2017 - 12:10 PM

Muli na namang nabulabog ang trabaho ng mga empleyado ng Taytay Regional Trial Court at Taytay Municipal Hall.

Ito ay matapos makatanggap ang dalawang opisina ng bomb threat.

Alas 9:05 ng umaga nang makatanggap ng anonymous call ang RTC Branch 100 na mayroon umanong bomba sa kanilang gusali.

Ilang minuto ang lumipas ay nakatanggap ng kaparehong tawag ang Public Informations Office ng municipal hall.

Agad na pinalabas ang lahat ng mga tao sa loob ng dalawang gusali at kasabay naman nito ang pagdating ng bomb squad.

Ayon kay Taytay Chief of Police Superintendent Samuel Delorino, bandang alas 9:040 nang ideklarang cleared ang loob ng municipal hall habang hanggang ngayon ay hinihintay pa ang pagsuyod ng bomb squad sa RTC building.

Ayon naman kay Municipal Disaster Risk Reduction Managemeny Office Engineer Elmer Espiritu, naging maayos ang pag-evacuate ng mga empleyado sa dalawang building.

Samantala, ito na ang ikalawang beses na makatanggap ng bomb threat ang dalawang gusali. Biyernes rin nang matanggap nila ang banta, ilang buwan na ang nakakaraan.

 

 

 

 

TAGS: Bomb threat, Hall of Justice, Taytay Municipal Hall, Taytay RTC, Bomb threat, Hall of Justice, Taytay Municipal Hall, Taytay RTC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.