LOOK: Cancelled flights ngayong araw, Nov. 24 dahil sa masamang panahon

Kanselado na ang ilang domestic flights ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa hindi magandang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang flights 5J 321 / 322 Manila – Legazpi -Manila at flights 5J 506 / 507 Manila – Tuguegarao – Manila ng Cebu Pacific.

Kanselado rin ang flights 2P 2084 / 2085 Manila – Basco – Manila ng PAL Express.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa refund ng pamasahe o kaya ay rebooking ng kanilang biyahe.

 

 

 

 

Read more...