PDAF at DAP scams sa ilalim ng Aquino administration, pinaiimbestigahan ng DOJ sa NBI
Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang umanoy “scams” sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP) na naganap noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Sa kaniyang memorandum, pinabubuo ni Aguirre ng special task force si NBI Director Dante Gierran para alamin kung nagkaroon ng malversation sa panig ni Aquino at ng iba pang mga dating opisyal ng pamahalaan sa ilalim ng article 217 ng Revised Penal Code.
Ginawa ni Aguirre ang kautusan base sa reklamong isinampa grupong Coalition for Investigation and Prosecution.
Ang nasabing grupo ay pinamumunuan ni dating Manila Councilor Greco Belgica.
Reklamong malversation ang inihain ng grupo ni Belgica sa DOJ laban kay Auqino at iba pa dahil sa umano ay pagwawaldas sa kanilang PDAF at DAP noong panahon ng pamumuno nila sa bansa.
Inatasan ni Aguirre ang NBI na magsumite ng periodic reports sa DOJ sa isasagawa nitong imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.