WATCH: Tricycle driver na nagbebenta umano ng chop-chop na motorsiklo, arestado sa Tondo

Kuha ni Mark Makalalad

Sa kulungan ang bagsak ng isang tricycle driver na nagbebenta umano ng chop-chop na bahagi ng mga ninakaw na motor sa Tondo, Maynila.

Aminado pa ang naarestong suspek na si Alan Gabriel, 21 anyos na nakahithit sya ng marijuana nang madatnan sya ng mga tauhan ng Manila Police District sa isang gusali na bagsakan umano ng mga ninakaw na motor.

Kwento ni Police Senior Inspector Ness Talento Vargas, nakatanggap daw sila ng tawag mula sa isang informant na nasa Tayuman ang suspek at hawak nito ang nasa 10 nakaw na motor.

Nang pasukin na nila ang lugar dito na sa kanila tumambad ang suspek na nagbabantay ng motor at naghihintay umano ng buyer ng mga chop-chop na spare parts.

Narito ang ulat ni Mark Makalalad:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...