70 katao huli sa simultaneous police operations sa Caloocan

By Justinne Punsalang November 24, 2017 - 07:55 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Dinala sa Caloocan City Police station ang mahigit 70 katao matapos mahuli sa iba’t ibang paglabag sa ikinasang simultaneous police operations.

Ang mga dinakip ay kinabibilangan ng mahigit 60 lalaki at 10 babae.

Pawang naaktuhang lumalabag sa iba’t ibang ordinansa ng lungsod ang mga inaresto.

Kabilang dito ang pag-iinom at pagsusugal sa kalsada.

Ang operasyon ay regular na isinasagwa ng sa Caloocan mula nang maupo bilang hepe si Senior Superintendent Jemar Modequillo.

Hindi tulad ng mga nakaraan na operasyon ng mga otoridad kung saan pinagpu-push up lamang ang mga nahuling umiinom sa kalsada, ngayon ay ikinulong na ang mga ito.

Sasailalim naman sa community service ang mga magulang ng tatlumpu’t apat na mga menor de edad na nahuling lumabag sa curfew.

Ayon kay Modequillo, tapos na ang warning period kaya may parusa na ang mahuhuling lumalabas sa city ordinance.

Limang motor naman ang kasalukuyang naka-impound sa himpilan ng mga otoridad dahil walang naipakitang OR/CR ang mga may-ari nito.

Isa naman sa mga motor ay napag-alamang kinarnap.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 70 arrested, caloocan city, city ordinance, 70 arrested, caloocan city, city ordinance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.