Tatlong magkakapatid, patay sa sunog sa Bacolod

Patay ang tatlong bata matapos ma-trap sa nasunog nilang bahay sa Barangay Felisa, Bacolod City.

Ang tatlong magkakapatid na sina Arthur Diloy, 4 na taong gulang; Ajericho Jr., 3 taon at Mary Auxencia, 2 taon ay hindi nakalabas mula sa nasusunog nilang tahanan.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, umalis para magtrabaho ang ama ng mga bata na si Ajericho Diloy Sr., at ikinandado nito ang bahay.

Ang isa pang nakatatandang kapatid ng mga bata ay nasa paaralan naman nang mangyari ang sunog Huwebes ng hapon habang ang kanilang ina ay isang OFW sa Saudi Arabia.

Labinglimang minuto lang tumagal ang sunog at ayon sa BFP, suffocation ang ikinasawi ng tatlong bata.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...