Ilang grupo, pinatitigil sa Korte Suprema ang 2015 fare increase sa MRT at LRT
Hinimok ng ilang mga grupo ang Korte Suprema na ihinto at ibasura ang fare increase na ipinatupad ng noo’y Department of Transportation and Communications (DOTC) sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Trail Transit (LRT) noong January 2015.
Sa mosyong inihain ni Bayan Muna Party-List Rep. Carlos Zarate, sinabi nitong sa kabila ng pagtataas ng pasahe sa mga linya ng tren ay hindi pa rin nabibigyan ang mga pasahero ng magandang serbisyo partikular sa MRT-3.
Sa ipinatupad na DOTC Order No. 2014-14 ay sinimulan ang “distance-based fare scheme” o 11 pesos base fare at dagdag piso kada kilometrong pasahe.
Maliban sa Bayan Muna ay naghain din ng mga petisyon ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa pamumuno ni Sec. Gen. Renato Reyes, United Filipino Consumers and Commuters, Inc. (UFCC), grupong pinamumunian ni Sen. JV Ejercito, ilang mga kinatawan ng Buhay party-list at maging si dating Iloilo Congressman. Augusto Syjuco Jr.
Layon ng mga petisyong ibalik ang mga dating pasahe sa LRT 1, LRT 2 at MRT 3.
Iginiit ng mga grupo na tama ang kanilang pagtutol sa 2015 fare hike dahil sa kabila ng pagtataas ng pasahe ay naging mas malala ang kondisyon ng mga rail system sa bansa.
Anila, walang basehan ang naging pagtataas sa pasahe at iginiit na isa itong paglabag sa karapatan ng mga commuter sa due process.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.