DOTr, dapat agad humanap ng kapalit ni Chavez ayon sa ilang mga senador

 

Bagaman dismayado sa pagbibitiw ni Cesar Chavez bilang undersecretary for rails ng Department of Transportation (DOTr), nanawagan ang ilang mga senador sa agarang paghahanap ng papalit sa kaniyang pwesto.

Kabilang sa mga nanawagan sina Senators Miguel Zubiri at Nancy Binay, pati na si Senate public services committee chair Grace Poe.

Ayon kay Poe, dapat ay nangunguna sa mga konsiderasyon sa paghahanap ng papalit kay Chavez ang interes ng publiko at pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon sa bansa.

Ayon naman kay Zubiri, “public service” dapat ang maging mantra ng susunod na magiging rails czar dahil magiging sobrang abala ito sa dami ng kaniyang kailangang trabahuhin.

Samantala, ikinalungkot naman nina Senate President Aquilino Pimentel at Senators Win Gatchalian at Joel Villanueva ang resignation ni Chavez dahil isa anila itong responsableng opisyal.

Sa palagay ni Pimentel, masyadong naging frustrated si Chavez dahil ginagawa lang naman niya ang kaniyang trabaho pero hindi pa rin masaya ang mga pasahero sa serbisyo ng MRT.

Read more...