Pagkaka-abswelto kay Faeldon sa drug case binatikos ni Trillanes

By Ruel Perez November 23, 2017 - 06:05 PM

Hindi ikinatuwa ni Sen. Antonio Trillanes ang pag-abswelto sa kaso na isinampa kay dating Customs Commisioner Nicanor Faeldon kaugnay sa nakapuslit na P6.4 Billion na halaga ng shabu sa bodega ng BOC.

Himutok ni Trillanes, kapag mga mahihirap sangkot sa ilegal na droga ay patay agad, pero kapag alagad ni Pangulong Duterte ay naaabswelto sa kaso tulad rin ng nangyari kay Police Supt. Marvin Marcos na sangkot sa pagkamatay ng umano’y drug lord na si Albuera, Leyte Mayor Roland Espinosa.

Patutsada pa ng senador, kung hindi sina Faeldon ang may pakana ng pagpuslit ng kalahating tonelada ng shabu baka umano gustong ituro ni Duterte at kampo ni Faeldon na mga security guards ng BOC ang sangkot dito.

Kahapon, ibinasura ng DOJ ang isinampang kaso ng PDEA kaugnay sa nabanggit na shabu shipment galing China dahil sa kabiguan umano ng ahensiya na magpresenta ng dagdag na ebidensya laban kina Faeldon at kawalan ng probable cause para ipagpatuloy ang kaso.

TAGS: Bureau of Customs, Faeldon, shabu, trillanes, Bureau of Customs, Faeldon, shabu, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.