Bulate nakuha sa katawan ng NoKor defector na sugatang nakatawid sa South Korea

By Den Macaranas November 23, 2017 - 03:35 PM

AP

Sinabi ng pamahalaan ng South Korea na nakumpirma ang kanilang hinala na maraming mga residente sa North Korea ang dumaranas ngayon ng matinding pagkagutom at malnutrisyon.

Ito ay makaraang sumailalim sa operasyon ang isang North Korean soldier na tumakas mula sa NoKor at nakatawid sa demilitarized zone.

Noong Nobyemer 13 ay isang sundalo mula sa komunistang bansa ang nag-defect at matagumpay na nakatawid sa South Korea.

Pero hindi ito naging madali para sa kanya dahil nagtamo siya ng mga tama ng bala mula sa mga dating kasamahan sa NoKor.

Sa isinagawang operasyon sa defector, ay nakakuha ang mga duktor ng bullate mula sa tiyan at atay ng biktima na napag-alaman rin na may Hepatitis B.

Sinabi ni Dr. Lee Cook-Jong ng South Korea na karaniwang ginagamit sa NoKor ang dumi ng tao bilang pataba sa mga tanim na gulay at prutas.

Ito umano ang dahilan kaya kontaminado ng iba’t ibang uri ng bacteria ang food supply sa nasabing bansa.

Dahil walang mabilis na access sa mga gamot, ito rin umao ang dahilan kaya marami ang dumaranas ng sakit ang namamatay na lang sa North Korea.

Ang nakita umanong bulate sa nasabing defector ay katulad ng mga karaniwang nakikita sa mga aso ayon pa sa nasabing opisyal.

TAGS: defector, hepatitis b, NOKOR, south korea, worm, defector, hepatitis b, NOKOR, south korea, worm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.