Proyekto at improvement sa MRT-3, maaantala sa pagbibitiw ni Usec. Chavez ayon kay Sen. JV Ejercito

Inquirer File Photo

Nadismaya si Senator JV Ejercito sa pagbibitiw sa pwesto ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez.

Ayon kay Ejercito, si Chavez ang isa sa maituturing na opisyal na nakita niyang passionate at seryosong tuparin ang kaniyang trabaho para mapabuti ang operasyon at serbisyo ng mga tren sa bansa.

Paliwanag ni Ejercito, siguradong back to zero na naman kung sinoman ang maa-appoint na papalit kay Chavez sa DOTr.

Dahil dito asahan na umano ng publiko ang pagkaantala ng mg proyekto at asahan na rin ang paglala pa ng problema ng mga railway partikular ang MRT-3 lalo na at magkaroon nang transition dahil sa pagbibitiw ni Chavez.

Samantala, inirerespeto naman ni Senator Grace Poe ang pagbibitiw sa pwesto ng opisyal sa kasagsagan ng problema sa MRT.

Ayon kay Poe, bagaman hinahangaan niya ang pagkakaroon ng “delicadeza” ni Chavez ay duda siyang ito lang ang rason sa pagbibitiw nito.

Nakagugulat aniya ang pagbibitiw ni Chavez dahil isa ito sa mga opisyal na nakikitaan ng determinasyon para maayos ang problema sa MRT.

Samantala sinabi ni Poe na napapanahon nang pag-aralan ng masusi ang aksyon at liderato ng DOTr sa mga usapin na bumabalot sa MRT-3 dahil nakasalalay dito ang kaligtasan ng riding public.

 

 

 

 

 

 

Read more...