Makikipagkita ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga biktima sa Maguindanao massacre.
Ngayong araw ang ikawalong anibersaryo ng massacre na naganap noong November 23, 2009.
Wala sa schedule ni Pangulong Duterte na ipinadala sa media ang pakikipagkita nito sa pamilya ng mga biktima.
Gayunman, kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may pulong ang pangulo sa mga naulila.
Hindi naman tinukoy ni Roque kung sa Malakanyang magaganap ang pulong.
MOST READ
LATEST STORIES