1 patay, 4 pang miyembro ng pamilya naospital sa pagkain ng tahong sa Samar
Isa ang nasawi, habang lima ang naospital dahil sa pagkain ng shellfish sa Barangay Tigdarano, Tarangnan, Samar.
Nasawi si Rommel Balsote, 39 anyos, habang ang kaniyang asawa na si Elizabeth, 39 anyos at kanilang apat na anak ay na-ospital.
Ang mag-anak ay nakaranas ng pananakit ng tyan matapos kumain ng tahong.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), umabot na sa 39 na katao ang naitala nilang naospital ngayon lamang buwan ng Nobyembre dahil sa pagkain ng shellfish.
Nananatili kasing positibo sa red tide toxins ang limang mga baybayin sa Eastern Visayas.
Kabilang dito ang Daram, Irong-irong Bay, Maqueda Bay, Villareal Bay at Cambatutay Bay sa Western Samar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.