(UPDATE) Nagbitiw sa pwesto si Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez.
Si Chavez ang undersecretary for rails ng DOTr.
Ayon kay Chavez, irrevocable ang inihain niyang resignation.
Binanggit ni Chavez na nais niyang bigyan ng pagkakataon si Pangulong Rodrigo Duterte at si DOTr Sec. Arthur Tugade na makahanap ng mas kwalipikado para gampanan ang kaniyang tungkulin.
Ang mga nagdaang sitwasyon sa MRT-3 ang nagtulak umano sa kaniya para magbitiw na sa pwesto.
At bilang ‘delicadeza’, kinakailangan na niyang mag-resign.
“I’m tendering my irrevocable resignation. Hindi pwedeng lagi tayong naninisi sa nakaraan dahil sa responsibilidad na natin ito,” ani Chavez.
Ayon kay Chavez, kinausap niya muna ang kaniyang pamilya bago magpasya at suportado siya dito ng kaniyang mga mahal sa buhay.