US Embassy sa Maynila, sarado ngayong araw

Inquirer File Photo

Nagpaalala ang Embahada ng Amerika dito sa Maynila na sarado ang kanilang opisina ngayong araw, November 23, 2017.

Ito’y dahil sa pagdiriwang ng Thanksgiving Day, isang holiday sa Estados Unidos.

Ayon sa Information Office ng U.S Embassy, sarado ang kanilang tanggapan sa Roxas Blvd., pati na ang mga affliated offices nito.

Para sa mga kukuha ng visa at may mga iba pang transaksyon, magbabalik ang serbisyo ng embahada bukas, araw ng Biyernes, November 24.

Ang Thanksgiving Day ay ipinagdiriwang sa U.S. tuwing ika-apat na Huwebes ng Nobyembre.

 

 

Read more...