WATCH: 16-anyos na motorcycle rider, patay matapos magulungan ng oil tanker sa Muntinlupa City

By Mark Gene Makalalad November 23, 2017 - 06:05 AM
Kuha ni Mark Makalalad

Bibili lang sana ng sigarilyo ang isang motorcyle rider nang bigla itong sumalpok at masagsaan ang kaniyang ulo ng oil tanker truck sa National Road, Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Nakilala ang biktima na si John Mark Navarro, 16 na taong gulang at residente ng Marquez Compound Subdivision sa kaparehong barangay.

Paliwanag ng driver ng truck na si Tedy Gotis, magde-deliver lamang siya ng langis sa gasoline station nang biglang sumingit ang isang motor.

Mabilis aniya ang andar ng motor na naipit sa gilid na bahagi ng truck.

Basag ang ulo ng biktima na walang helmet.

Hindi naman maisalarawan ang pighati ng kapatid ng biktima na si Angeline Navaro.

Aminado si Angeline na nakainom ang kapatid nang ito ay nagmaneho ng motor at kagagaling lamang sa birthday ng kaibigan.

Nahaharap ngayon ang driver ng oil tanker truck sa reckless imprudence resulting to homicide.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, manila, metro news, Radyo Inquirer, accident, manila, metro news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.