Price freeze sa mga construction materials sa Marawi, ipinatupad

By Kabie Aenlle November 23, 2017 - 02:42 AM

 

Inanunsyo na ng National Price Coordinating Council (NPCC) ang pagpapatupad ng price freeze sa mga construction materials sa Marawi City, at maging sa mga kalapit na lugar ng lungsod.

Bahagi ito ng pagsisimula ng rehabilitasyon sa lungsod na lubhang nasira dahil sa limang buwang bakbakan sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at ng teroristang Maute Group.

Ayon kay Trade Sec. at NPCC chair Ramon Lopez, magsisimula na sa susunod na linggo ang pagpapatupad ng price ceiling upang maiwasan ang inaasahang biglang pagtataas ng presyo ng mga materyales sa kasagsagan ng rehabilitasyon ng Marawi.

Samantala, sinabi rin ni Lopez na maglalagay sila ng mga depots para matiyak ang availability ng mga contruction materials na direktang magmumula sa mga manufacturers.

Idineklara rin ng NPCC na stable na ang presyo ng mga pangunahing bilihin at mga supply sa Mindanao sa kabila ng pag-iral pa rin ng ipinatupad na martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte mula noong May 23.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.