2 kampo ng BIFF sa N. Cotabato, nabawi ng AFP

 

Dalawang kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa North Cotabato ang nadiskubre at nabawi ng militar.

Ayon kay Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Carlito Galvez, naagaw nila ang pinagkukutaan ng BIFF sa Barangay Tonganon at Barangay Bentangan.

Aabot sa 3,000 residente ang kinailangang lumikas dahil sa pag-atake ng mga bandido na patuloy na tinutugis ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sa tulong na rin ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Una nang nag-kampo sa Saidona at Salibo sa Maguindanao ang BIFF ngunit dahil sa mga operasyon laban sa kanila, napilitan silang tumakas at lumipat sa mga bayan ng Carmen at Aleosan.

Read more...