Mar, pormal nang inalok si Leni Robredo para maging running mate
Kapwa dumalo sa kapistahan ng Peñafrancia sa Naga City ngayong araw sina Liberal Party Presidential bet Mar Roxas at Congresswoman Leni Robredo.
Sa nasabing pagtitipon, pormal nang inalok ni Roxas si Robredo para maging kaniyang running mate sa 2016 elections.
Sa maiksing panayam kay Robredo, habang sinasaksihan nila ni Roxas ang 7th Peñafrancia Regional Military parade, sinabi nitong inalok siya ni Roxas na tumakbong bise presidente sa ilalim ng LP.
Hindi naman agad sumagot ng oo o hindi si Robredo at sa halip sinabi nitong pag-iisipan muna niya ang alok.
“Pormal nang inoffer sa akin ni Sec. Mar na tumakbong VP, running mate niya. Pag-iisipan ko na.” ayon kay Robredo.
Bago ang nasabing pahayag ni Robredo, isang larawan ang ipinost sa facebook page ni Roxas kung saan ipinakikita na ang dalawa ay ipinagdarasal ng mga pari mula sa Naga City sa pangunguna ni Archbishop Rolly Tirona.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.