Ito ang kinumpirma ni Prince Sultan bin Salman, pinuno ng Saudi Tourism and national heritage commission.
Ayon sa prinsipe, plano ng kaharian na simulan ang pag-iisyu ng mga regular tourist visa sa susunod na taon sa mga nais na mamasyal sa Saudi Arabia.
Sa matagal na panahon, tanging nabibigyan lamang ng visa para makapasok sa Saudi ay ang mga nais magtrabaho at ang mga magsasagawa ng ‘pilgrimage’ sa Holy City ng Mecca.
Paliwanag ni Salman, layunin ng hakbang na maka-engganyo ng mas maraming turista sa Saudi Arabia upang mapalakas ang turismo.
Ito ay upang mabawasan ang pag-sandig ng Saudi Arabia sa kanilang oil industry.
Upang maka-akit ng mas maraming bisita, plano rin ng kaharian na magtayo ng mga resort at theme park bago matapos ang taong 2022.
Bahagi ito ng malaking plano ni Crown Prince Mohammed bin Salman na maglunsad ng ‘economic overhaul’ para sa Saudi Arabia.