Inanunsyo ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson na mag-aaral siya ng abogasya sa susunod na taon sa Arellano University School of Law.
Sa kanyang Facebook at Twitter accounts ay sinabi ni Uson na nais niyang mapalawak ang kaalaman sa batas.
Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ianunsyo ni Speaker Pantaleon Alvarez na isasama si Mocha Uson sa Senatorial Slate ng Partido Demokratiko Pilipino – Laban (PDP Laban) sa 2018 midterm polls.
Gayunpaman, itinanggi ni Uson na siya ay tatakbo sa pagkasenador ngunit posible anyang mangyari ito kung mismong si Pangulong Duterte ang hihiling nito sa kanya.
Samantala, hindi pa naman malinaw kung na-waive ng unibersidad ang Philippine Law School Admission Test (PhiLSAT) requirement para kay Uson.
Matatandaang isa na ito sa mga requirements upang makapag-enroll ng abogasya sa ilalim ng Legal Education Board’s Memorandum Order No. 7 alinsunod sa Legal Education Reform Act.
Hindi kabilang si Uson sa listahan ng mga pumasa sa PhilSAT sa nagdaang April at September examinations.
Magsisimula ang klase ng Arellano School of Law para sa susunod na taon sa January 13, 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.