Binabantayan ng Armed Forces of the Philippines ang umano’y recruitment na isinasagawa ng Maute group sa mga lugar sa Lake Lanao.
Ayon kay Colonel Romeo Brawner Jr, Task Force Ranao deputy commander, may natanggap silang mga ulat kaugnay nito.
Sinabi ni Brawner na nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na opisyal at mga residente para mapigilan ang mga kabataan na sumali sa terorismo.
Samantala, narekober ng militar ang 77 armas sa Marawi City mula nang lumaya ito sa Maute group noong October 17.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero, ilang mga bangkay rin ang kanilang nakuha.
Patuloy rin aniya ang clearing na isinasagawa sa mga apektadong lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.