Duterte at mga empleyado ng gobyerno tataas ang sweldo sa 2018
Simula sa taong 2018, makakatikim na ng umento sa sahod si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, mula sa kasalukuyang P222,000 ay magiging P297,000 na ang buwanang sweldo ng pangulo.
Paliwanag ni Diokno, ipatutupad kasi na 3rd tranche ng salary standardization law of 2015.
Katumbas ito ng dagdag na higit P75,000 sa kasalukuyang P222,278 na buwanang sweldo o 34.1 prosiento na umento sa sahod ng pangulo na nasa ilalim ng salary grade 31.
Tatanggap din aniya ng umento ng sahod ang nasa 1.2 million civilian government workers mula sa salary grade 1 hanggang salary grade 30.
Sinabi rin ni Diokno na P24 Billion ang inilaang pondo para sa umento sa sahod.
Kasama rin sa makakatikim ng umento sa sahod ang mga manggagawa sa State Universities and Colleges, mga empleyado ng government and controlled corporations na saklaw ng compensation and position classification system sa ilalim ng Republic Act number 6758; mga manggagawa sa lokal na pamahalaan, at mga barangay personnel na tumatanggap ng monthly honoraria.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.